Pagtuturo ng agroekolohiya sa mga paaralan
Para pahalagahan ang lokal na kultura, at mahikayat ang lahat maging malusog, mahalagang ang paaralan ay magdagdag ng mga paksang tumatalakay sa pagsasaka at tradisyunal na pagkain sa kanilang mga aktibidad at kurikulum. Ihabi ang agroekolohiya sa kurikilum ng lahat ng baitang. Mag-organisa ng bisita sa sakahan para matuto ang mga kabataan mula sa mga magsasaka tungkol sa lokal na barayti, mga gawain, at mga kagamitan. Pwedeng gumawa ng silid na para sa kultura ng lokal na pagsasaka kung saan pwede magbasa ang mga bata, manuod ng mga bidyo, mag-displau ang kanilang mga likha, at maglaro. Sa hardin, ang mga guro, estudyante, at magulang ay pwede magtanim. Mahalagang merong mga masustansyang pagkain nag awa sa lokal na sangkap.